Tuesday, June 2, 2009

from haunted philippines..awooooh..
Sungka
Scene 1: Office

Kim: ikaw c Eris Nucum? (kumurap-kurap, hindi makapaniwala)

Ilang araw na niyang pinaghahanap ang may-ari ng pangalang ito. Eris Nucum. Flashback na naga pangita si KIM ug name sa directory, PLDT, Bayantel at Internet. Gina isa2 niya ug tawag ang mga naka pangalan na Eris Nucum pero wala gihapon.hapit na xa mu give up pero ngayon nga, parang ibinagsak sa langit. Nasa harap na niya si Eris Nucum!

Kim: nagkaroon ka ban ng laruang sungka dati? (mamasa-masa ang mga mata sa galak)

Eris: Huh? Kasali po ba ito sa interview? (na weirdan kay wla xa nag expect na ing ani ang mga questions para sa isa ka aplikante) E, nagkaroon po. Pero bata pa ako noon, Ma’am. Mga 8 years old pa lang ako noon. Hindi ko na nga alam kung nasaaan na yun ngayon, e. Pero marunong pa rin po akong magsungka. Bakit po?

Kim: Kailangan mong sumama sa akin. Ngayon na!

Eris: Ho?

Mabilis na inilapag ni Kim ang mga biodata ng iba pang aplikante sa fast food chain na pinagtatrabahuan niya. Humangos siya papalabas ng pinto tangay2 ang sariling bag. Napalingon si Eris sa iba pang mga nasa loob ng opisina. Blangko rin ang mga mukha nito. Kaya kahit nagtataka, sumunod siya kay Kim. Lumabas na rin siya ng opisina. Sa tapat ng elevator, naabutan niya si Kim na paulit-ulit na pinipindot ang DOWN.

Eris: Ma’am, saan ho ba tayo pupunta? Kasi po, mag-a-apply pa ako sa isa pang opisina diyan sa dulo ng Ortigas.( Noon lang niya napansin na kahit maganda ang babaeng kaharap niya, mukhang kulang na kulang ito sa tulog. Malaki at itim na itim ang eyebags nito, kulubot ang noo. Parang may malaking problema.)

Kim: sa bahay ko Eris. I’m Kim. Kimberly Rojas. Nakabili ako ng sungka sa isang second hand shop. May nakaukit na pangalan mo sa ilalim ng sungka. Kaya kelangan mong sumama sa akin. Kung hindi, may masamang mangyayari. Buhay ng ate ko ang nakataya rito! ( nandidilat ang mga mata, bigla ring dumilat ang pinto ng elevator. Ting!)

Sa taxi papunta sa apartment ni Kim, ipinaliwanag niya ang lahat.

Kim: Eris, hindi ko alam kung anong meron ang sungka mo. Pero mula nang laruin ko yan, lahat ng kalaro ko, namamatay. Una, ang kaibigan kong si Bobby. (flashback then voice over ni Kim, ang mga actor diri kay wla naga talk ha, ang voice over lang jud ang madungog sa tao) Meron siyang leukemia. Nagsu-survive siya sa tulong ng mga gamot, doctor at mga operasyon. Last week, naospital na naman siya kaya dinalaw ko. Bitbit ko nga yung sungka. Natuwa siya pagkakita rito. Ang sigla2 pa niya nung naglalaro na kami. Subi kasi siya nang subi. Tapos, may nurse na dumating. Tuturukan ng gamot si Bobby. Lumabas ako. Pagbalik ko, mga 15 minutes, ayaw nang maglaro ni Bobby. Nahilo daw siya sa gamot. Hndi naming natapos ang sungka. Nagkuwentuhan na lang kami.
Kinabukasan, I got a call from his brother. Patay na raw si Bobby. Shocked ako. The Doctors were still tracing the real cause of his death. Nagtaka rin sila. Hindi naman daw siya inatake ng sakit that night. At kung ikukumpara sa mga dating pagkaka ospital niya, hindi naman daw to ang pinaka grabe. Kaya kahit may taning ang buhay ni Bobby, hindi siya basta-basta mamamatay. Unexpected talaga.

Sa first night ng burol niya, may nagkuwento sa aking may isang dakot daw ng mga sigay sa palad ni Bobby nang matagpuan siya. Nakamulagat si Bobby pero nangingitim ang mga mata. At kagat-kagat ang nangingitim na ring labi. Bangkay na. Bangkay na si Bobby nang Makita.

Balisa ang utak ni Eris habang nakikinig kay Kim. Naalala niya ang mga kalaro noong bata pa siya. Patay. Sa loob ng dalawang lingo, tatlong bata ang patay sa kanilang baranggay. Lahat sila, nakalaro rin niya ng sungka. May kinalaman kaya ito sa paulit-ulit niyang pagsamo?

Eris: Eh, Ma’am, baka nagkataon lang. Baka time na talaga ng friend nyo.

Kim: oo nga. May sakit na naman talaga si bobby. Pero namatay ang isa ko pang kaibigan. Si Erwin. (napaluha na, kabog nang kabog ang dibdib niya ngayong sinasalaysay niya ang lahat) Nagkita-kita kaming mgkakaklase noong high school, sa libing ni Bobby, exactly one week after nang mamatay siya. Pagkatapos ng libing, wla pang gustong umuwi sa aming magkakaklase. Tumuloy kami sa apartment ko para mag beer. Ayaw naming uminom si Erwin dahil magmamaneho pa siya pero ayaw paawat eh. Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ni Erwin ang sungka sa gilid ng sofa. Dun ko tinabi yun mula nang laruin naming ni Bobby. Itong si Erwin, dumakot ng mani mula sa mangkok. Yun na lang daw ang gamitin naming imbes na mga sigay. Habang naglalaro kami, napansin kong paunti nang paunti ang mani. Yun pala pag di ako nakatingin, kinakain ni Erwin yung mani na nasa kamay niya. Dahil dun, hindi naming natapos ang laro.

Eris: tapos anong nangyari?

Kim: kinabukasan, tumawag ang kaklase kong hinatid ni Erwin sa bahay. Patay na raw siya. Nabangga ang van nito sa island.

Eris. Shit!

Kim: sumadsad ang van sa island. At mukhang matagal na sumadsad dahil tatlong dipa ang gasgas sa island. Lasog2 ang kalahating katawan ni Erwin. Ngtaka rin ang imbestigador dahil walang ibang bangga ang van. Ibig sabihin, mag isa itong sumalpok sa island. Bakit naman pasasalpukin ni Erwin ang van sa island? Isa pa, imposibleng makapagmaneho nang sobrang bilis sa lugar na yun. Malapit kasi sa intersection.

May hawak na papel si Erwin nung mahugot ang bangkay niya mula sa yupi-yuping van. Ang nakasulat. Aso co sa pantalan, lumucso nang pitong balon, umuli nang pitong gubat, bago nag tanao dagat.

Eris: alam ko yan. Isang bugtong tungkol sa sungka.

Kim: oo nga no? maliwanag na may kinalaman talaga ang sungka rito.

Eris: may ikatlo? May ikatlo kang nakalaro?

Kim: si ate cha, kapatid ko. Naglalaro kami ng sungka bago ko sagutin ang tawag tungkol sa aksidente ni Erwin. At dahil sa phone call na yun, hindi naming natapos ang laro. Kutob ko talaga, may kung anong sumpa ang sungka na to. I don’t believe in coincidences. Eris, anong meron ang laruang ito?

Scene 2: sa bahay

Pagpasok nina kim at eris sa apartment, sinalubong sila ng nakakasulasok na amoy. Parang malansang ewan. Dumiretso na si Kim sa 2nd floor sa kuwarto niya. Nakakandado ang kuwarto. Taking-taka si Kim. Hindi niya ugali ang mag lock ng kuwarto. Imposibleng nasa loob ang ate niyang si cha. Nasa airport na yun by this time. Biglang dumutdot sa isip niya ang paguusap nila kagabi.
Kim: ate cha, please, wag ka ng tumuloy. Baka totoo ang bomb threat sa NAIA. Isa pa, sunod2 itong…

Cha: andali mo namang maniwala sa mga teroristang yan. Napakamapamahiin mo pa. Conference yun. Pinagkagastusan na ako ng kumpanya namin para lang um-attend doon. Tapos dahil lang sa theory mong may kinalaman diyan sa sungka e, hindi na ako pupunta?

Kim: Ate cha..

Cha: Kim, I know it’s very hard for you na mawalan ng dalawang kaibigan in less than I week. O two weeks nga ba? Pero coincidence ang lahat. Nagkataon lang. walang kinalaman yang sungka sa pagkamatay nina Bobby at Erwin.

Kim: ate meron. At Ikaw, ikaw ang ikatlong hindi tumapos ng larong to. Baka may masama ring mangyari sau.

Cha: wlang masamang mangyayari sa akin so stop it, Kim.

Kim: ate pakinggan mo muna ako. Nag search ako tungkol diyan. Sungka is not just a game. Noong unang panahon, ang tingin ng mga tao riyan, canoe of destiny. Bangka ng tadhana or something like that. Tingnan mo, hugis-bangka.

Napatingin si Cha sa sungka. Para nga itong maliit na bangka. Madilim na kayumanggi, halos itim, ang kulay nito, at may nakaukit na mga ugat at dahon, gumagapang paikot sa mga butas ng sungka. Luma na ito, mukhang hindi lang 2nd hand. Mukhang marami na ang unang nagmay-ari nito.

Ginagamit ito dati ng mga ninuno para malaman ang future. Kung gus2 nilang malaman kung kelan ikakasal ang isang dalagita o kaya kung gusto nila malaman kung safe bumiyahe, kumokonsulta sila sa sungka. Sabi sa nabasa ko, nire-represent ng sungka ang ayos at paggalaw ng buwan at mga bituin sa langit.

Cha: Nilelektyuran mo ba ako?

Kim: Ate, ang pagkamatay nina Bobby at Erwin, baka warning signs yun na wag ka nang tumuloy sa biyahe mo.

Cha: tsk.hay naku Kim, ikaw na nga ang nagsabi, kung nagsasaad ng tadhana ang sungka, e di ibig sabihin, wla na tayong magagawa. Yun na ang future! Di ba? Kung nakatakdang pasabugin ng mga terorista ang eroplano ko, e di..

Kim: Ate..

Cha: Boom!..Kim maaga pa akong gigising. Gusto ko nang matulog.

Kagabi, hindi nga nakumbinsi ni Kim ang kapatid. Tumuloy pa rin ito. Ni hindi nagpahatid sa airport kanina. So wala si Cha sa kuwarto ni Kim ngayon. May sarili itong kuwarto kaya bakit naman ito papasok sa kuwarto niya? At maglolock pa ng pinto? Isa pa, nasa airport nga ito at this moment, naghihintay ng flight niya papuntang Japan. Pero napakatok pa rin si Kim sa pinto. Mabibilis na katok.

Kim: Kung sino ka man, buksan mo 2!

Mabilis siyang bumaba papunta sa sala pero..

Kim: AaAaAh!

Nadupilas at nahulog siya sa hagdan! Tinulungan siyang makatayo ni Eris.

Kim: ang bag ko..

Kinuha ni Eris ang bag sa sofa at inabot it okay Kim. Hinagilap ng mga daliri ni Kim ang susi niya.

Kim: umakyat ka. Pasukin mo ang kuwarto ko. Yung may kurtina sa pinto. Kunin mo ang sungka. Sa ilalim ng kama.

Hangos na umakyat si Eris sa 2nd floor. Nagtaka si Eris dahil hindi naman naka lock ang pinto ng kuwarto ni Kim. Ni hindi nakasara. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtinang binibigwasan ng hangin. Pumasok siya. Nakabalandra ang isang kamang may puting unan at puting kumot. Magulo ito. Parang nagmamadaling bumangon ang taong natulog roon. Lumuhod si Eris at dahan-dahang yumukod para silipin ang ilalim ng kama. Pero pumikit siya. Baka kung ano ang bumulaga sa kanya roon. Pagdilat niya, wala. Wala ang sungka. Walang kahit na anong gamit sa ilalim sa kama.

Eris: Ma’am, wla rito.

Kim(san napunta ang sungka?) Hanapin mo. Andiyan lang yun. (nakangiwi niyang hiyaw.makirot ang kanyang balakang)

Binuksan ni Eris ang cabinet. Kinapa niya ang gilid2 nito. Wala, sa ibabaw ng cabinet. Wala. Inurong niya ang kama at baka naipit lang sa gilid. Wala. Sumungaw pa siya sa bintana. Wala. Balik sa kama ang mata niya. Noon lang niya napansin na parang may nakahiga sa kama. May dumidiin sa unan. Natatakpan ito ng kumot. Unti-unti niyang inangat ang kumot. Tumambad sa kanya ang lumang-luma niyang sungka! Para itong bangkay na nakahiga sa kama, nakatalukbong ng puting kumot. Binuhat ito ni Eris. Nasuka siya sa nagkikislutan sa ilalim ng laruan: bata-batalyon ng anay at mga sigay ng sungka.

Eris: Yiii. Noong bata ho ako, Ma’am Kim. Pag may niyayaya akong maglaro ng sungka, gusto ko, tinatapos namin ang laro. Pag umaayaw ang kalaban ko, paulit-ulit kong sinasabi sa isip: mamatay ka na. mamatay ka na! mamatay ka na! at alam niyo ba? Nangyari nga yun sa tatlo kong kalaro.(umiiyak na) si Em, nabundol ng kotse. Patay. Si Dom, nalunod sa swimming pool. Patay. Si May, nagka malaria. Patay. Tatlong bata sa loob ng dalawang lingo! Patay! Umayaw kasi sila, e. hindi ko naman sinasadya.

Kim: tama na. tapos na yun. Nakaraan na. tulungan na lang natin ang ate ko!

Pinagpapawisan na si Kim. Mag-aalas singko na. alam niyang nakapasok na ng eroplano ang ate cha niya. Any minute, lilipad na ang eroplano.

Eris: anong dapat nating gawin?

Kim: gusto mo, laruin natin ang sungka tapos humiling ka ng magagandang bagay? Yung kabaliktaran ng dati mong hinihiling. Baka ma reverse natin ang sumpang tumatak sa laruang ito.

Mabilis na hinanda ni Kim ang mga sigay. Hinugasan ito kanina ni Eris.

Kim: kulang nga pala ito. Kumuha ka ng maliliit na bato sa labas! Bilis, Eris!

Labas kaagad si Eris. Dumakot na lang siya ng mga batong maliliit at dinala ito sa loob. Naghati sila ng bibilangin.

Eris: 46, 47, 48. ilan ba lahat?

Kim: 98. pitong butil sa bawat butas na maliliit. 14 ang mga butas.

Eris: oo nga 14. pitong butas sa magkabilang side. Ibig sabihin kaya nito, seven days? At 14, ibig sabihin, two weeks?

Kim: dalawang linggo?

Sumagitsit ang lagim sa isip ni Kim. Sa araw na ito,papatak ang ikalawang linggo mula nang mamatay si Bobby. Ang tatlong kalaro ni Eris, namatay sa loob ng dalawang linggo.

Kim: dalian mo Eris, handa na ang lahat. Sabay na tayong dumakot ng mga butil.

Naglaro na ng sungka ang dalawa. Parang bumbilyang pinilit na mag-ilaw ni Eris ang kanyang isip.

Eris: (ano bang hihilingin ko? Sana..sana wlang danger or whatever.. sana wlang danger or whatever.. sana wlang danger or whatever..)

Mabilis ang kilos ng dalawa. Mula sa nakakuyom nilang palad, umikot nang umikot ang mga sigay at bato sa mga butas ng sungka. Biglang dumilim ang paligid. Halos wala na silang Makita.

Eris: 5:30 pa lang. bat ganon? May flashlight ho ba kayo?

Kim: wag kang titigil Eris. Keep dropping the shells. Keep wishing.

Inapuhap niya ang cellphone sa loob ng bag. Yun na lang ang ipang iilaw niya.
(sana wlang danger or whatever..sana wlang danger or whatever.) Namatay ang cell phone ni Kim.

Kim: grabe,di naman lowbat 2 ah.. sandali..wag kang hihinto.

Kumapa-kapa sa dilim. Hinanap ni kim ang switch sa pader. Klik. Pero wala pa ring ilaw. Klik. Klik. Wla pa rin. Brownout?

Kim: Eris, hahanap lang ako ng kandila. Please don’t stop.

(sana wlang danger or whatever..sana wlang danger or whatever. Bumagal si Eris dahil kinakapa lang niya ang bawat butas ng sungka. Hindi siya maaaring magkamali. Baka may mangyari pang masama. Nakarating sa kusina si Kim. Nabuksan niya ang isang drawer. Natagpuan ng kanyang mga daliri ang isang matabang kandila. Sunod niyang inapuhap ang posporo. Nang kiskisin na niya ang palito, nabali ito. Kiskis siya uli, biglang humangin naman ng malakas. Parang may dumaang bagyo. Ayaw magningas ng posporo. Nilamig si Kim.

Eris: Okay lang kayo riyan, Ma’am?

Kim: oo basta wag kang titigil

May malamig na hangin na bumatok kay Eris. Napapikit siya sa takot pero hindi siya tumigil. (sana wlang danger or whatever..sana wlang danger or whatever.) sa kusina, niyakap ni Kim ang sarili at gumapang. Kinapa niya ang sahig ang kandila. Wala siyang Makita kundi wlang hanggang dilim.

Kim: God please ang ate ko. Tulong po.

Eris: Kim! Kim! Asan ka?

Kim: dito! Dito!

Gapang si Kim papunta sa tinig. Nang makapa niya ang sungka, umupo siya nang tuwid at kiniskis ang palito para sindihan ang kandila. Nang magliwanag..ang ate cha niya..nasa likod ni Eris! Nakaupo ito, puro dugo ang damit. Sugat-sugat ang mga braso. Parang inipit. Parang nadurog.

Cha: bakit hindi mo tinapos ang laro?

At biglang lumungayngay ang ulo niya. Kapirasong balat na lang ang nagdudugtong sa leeg at sa ulo, halos malagot dahil sa pagkakapugot..

End

Posted at 9:57 PM | 0 comments